Magandang Araw po sainyo! Ako po ay isang mag aaral at may kaunti lang po ako na katanungan kung ako po ay inyong mararapatin
Magandang araw din sayo! Nagagalak akong pumarito ka sa aking opisina. Ano ba ang maipaglilingkod ko sayo? Ngunit bago ang lahat ay tayo munang umupo para mapag usapan ng maayos ang nais mong malaman.
Nais ko pong malaman kung ano na ang kalagayan ng edukasyin dito sa ating bansa? Ako po'y nanggaling sa hindi mayaman na pamilya ngunit ako po ay may pakielam pagdating sa edukasyon dito sa ating bansa.
Ahh ganun ba? Sa panahon ngayon at sa aking naoobserbahan ay ayos naman ang edukasyon sa ibang paaralan ngunit kung ako ang maihahalal sa pagkapangulo ngayon ay mas mapapaigting ko pa ang kagandahan ng edukasyon dito sa ating bansa
Ano po ang magagawa niyo upang mas mapalawak pa po ang pagkaayos ng edukasyon dito sa ating bansa? Kung ayos lamang po na tanungin ang bagay na ito.
Oo naman, natutuwa ako at may mga kabataan na interesado malaman ang nangyayare pagdating sa edukasyon.
Ako ay baguhan pa lamang sa larangan na ito, marahil ay mas may karanasan na ang aking mga kalaban ngunit kaya ko rin makipagsabayan sakanila at kaya ko rin na mas mapaganda ang sistema ng edukasyon dito, ang una kong gagawin ay iisipin ko muna kung paano mareresolba ang mental health ng mga estudyante habang nakakapag aral ng mabuti, ang mental health ay importante at naiisip ko na pag nakita ng karamihan sa estudyante na may paki tayo sa mental health nila ay mas gaganahan sila na mag aral.
Tama po kayo, importante nga po ang mental health ng mga estudyante lalo na sa panahon ng pandemic. Gusto ko po ang inyong nais gawin para mas mapaayos pa ang edukasyon ditoi sa ating bansa.
Ako ay nagagalak at nagustuhan mo ang nais kong gawin kung ako man ang tatanghaling pangulo ngayon. Pag ako ang nanalo ay asahan niyo na magkakaron pa ako ng proyekto para mas mapaayos pa ang edukasyon at ibibigay ko sa mga estudyante ang mga bagay na kailangan nila, gaya ng libreng mga libro at iba pang kagamitan na magagamit sa pag aaral
Salamat po at nasagot niyo ang aking mga katanungan, asahan niyo po na sainyo ang aking boto upang mangyare ang mga nais niyong gawing proyekto para sa aming mag aaral.
Walang anuman, salamat din sa pagpunta dito at pagtitiwala na kahit baguhan pa lamang ang aking pangalan ay nararamdaman ko ang suporta mo, Pangako, kung manalo man ako ay ang edukasyon sa bansa natin ang una kong proyekto.