Si Paulita! Kaawa-awang Isagani, Ano na kayang nangyari sa kaniya?
Natanaw ni Basilio si Juanito Pelaez sa piling ng isang babaeng nakadamit pang kasal
Nasa ganoong kalagayan si Basilio nang mamataan nyang lumabas si Simoun sa bahay, dala ang lamparang maingat na nababalot lumulan sa isang sasakyan at sumunmod sa hanay ng mga umabay sa bagong kasal. Kinilalang mabuti ni Basilio ang kutsero nito upang hindi sya maligaw sa kaniyang pagsunod.
Gayon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang mamukhaan nya si Sinong. Ang kutserong binugbog ng mga sibil, at ang nagbalita sa kaniya ng mga nangyari sa tiyani.
Sa dating bahay ni Kapitan Tiyago idinaraos ang pista, at maagiging panauhin ni Don Timoteo ang mga diyus-diyosan ng Maynila, na magbibigay ng karangalan sa kaniya. Napakalaki ng iginanda ng bahay ni Kapitan Tiyago, nawala na nang tuluyan ang apoy-apyan
at ang malaking bulwagan ay napaliligiran ng malalaking salamin at ang sahig ay nalalatagan ng alpombra. Pinalitan ng mga silya ni Kapitan Tiyago, ang mga kurtina ay mapulang tersiyopelong nabuburdahan ng ginto at may titik ng pangalan ng mga bagong kasal.
Ang kainan ay nagagayakan ng mga bulaklak. Nasa gitna nito ang pantatlumpo-kataong mesa, at sa paligid ng ding ding ay maliliit na kumpol ng bulaklak, mga bungang kahoy at mga ilaw na nakalagay sa gitna.
Ang mesa naman ng mga diyus-diyosan ay nasa gitna ng asotea, sa isang magarang kiyosko. Malayang nakakapaglalagos ng hangin upang mapanatili ang kalamigan sa maghahapunan