Ako ay isang batang mahilig kumain ng cookies lalo na kapag ipinares ito sa mainit na kape. Isang araw napagisipan kong magbake ng cookies at magtimpla ng kape, tamang-tama katatapos ko lang sa mga gawaing bahay.
Bigla kong naisip na malapit na pala ang sale ng Shopee tuwing buwanan ng sweldo, sakto may gusto akong bilhin na damit upang maisuot ito sa aking kaarawan.
Isinalang ko na ang paborito kong cookies upang maisabay ko itong kainin kasabay ng aking mainit na kape.
Ngunit sa kabila ng aking pagtitingin sa aking cellphone upang tingnan ang sale sa Shopee ay nawala ako sa aking isip. Yung tubig galing sa lababo pala ang aking nailagay sa kape.
Ako ay nalungkot sapagkat nagiisa na lang ang aking kape na nakatago sa cabinet. Nasira lahat ng plano ko na kumain ng magkatuwang na cookies at mainit na kape. Nako mukhang lagot nanaman ako sa aking ina sapagkat bukod sa bibili na naman ako sa Shopee ay nasayang ko pa ang nagiisang sachet ng kape.
Nako, mukhang may nakalimutan na naman ako. ANG COOKIES KO! dali-dali akong pumunta sa kusina upang tingnan ang aking nilulutong cookies. Nako mukhang may mali nanaman akong nagawa.