Mula noon ay pinahalagahan na ni Mathilde ang lahat ng mayroon siila ng asawanniya. Siya ay tumulong at nagsikap upang sila ay makaahon sa kahirapan
Mula ngayon magiging responsableng babae na ako. Sabay at kuntentong aahon kami ng aking asawa.
Mathilde, asawa ko. Kamusta ang iyong pagtatrabaho? May nais ka bang bilhin?
Nakakapagod, subalit masaya ako na makatulong upang tayo ay makaahon na sa kahirapan. Hindi muna tayo gagastos para lamang sa aking luho, Victor.
Pagkalipas ng halos tatlong taon ay nakabawi na sa kahirapahn ang mag-asawa. Si Mathilde ay nagtiis at lumayo sa mga tukso na gumastos sa hindi gaanong mahalagang bagay. Habang ang kaniyang asawa naman na si Victor ay nagkaroon ng maayos at magandang pasahod na trabaho.
Matrhilde, ang laki na ng iyong pinagbago. Naging mas maayos kang tignan ngayon kaysa sa huli nating pagkikita. Ikaw ba ay nagdadalang tao?
Habang naglalakad si Mathilde ay nakita niya ang kaniyang kaibigan na si Madame Forestier. Nagulat si Madame Forestier dahil may umbok ang tiyan ni Mathilde, kaya agad niya itong tinanong.
Kinuwento niya rin sa kaibigan kung paano sila nakaahon sa kahirapan. At labis na tuwa ang naramdaman ni Madame Forestier sa kaniyang nalaman.
Sa awa ng Diyos ay nakaahon kami sa kahirapan. Ako ay nagdadalang tao at malapit ko na ring masilayan ang aking anak.
Nagsilang ng sanggol na babae si Mathilde. Labis ang tuwa ng mag-asawa. At nangako sila na palalakihin ito ng tama. Pinangalanan nila ang kanilang anak na Mavi.
Palalakihin ka namin ng tama anak. Hindi kami nagkukulang sa iyo. At gagabayan ka naming lumaki sa tamang pag-uugali at asal.
Hindi mapagkakailangnapalaki ng mag-asawa ang kanilang anak ng tama. Si Mavi ay lumaki ng hindi magasto, kuntento at hindi naiinggit. Masaya si Mathilde na ipinangaral niya sa kniyang anak ang maging kuntento at pahalagahan ang kung anong mayroon siya. Habang si Victor ay masaya na bukas ang kaniyang asawa upang matuto at magbago.