Noong unang panahon, may nakatira na dalawang kamag-anak. Ang pangalan ng ina ay si Aling Rosa. Ang anak niya ay si Pinang, na sampung taong gulang. Mahal na mahal niya ni Aling Rosa si Pinang at gusto niya lumaki na gumagawa ng gawaing-bahay. Ngunit dahil isa lang ang anak ni Rosa, umayaw si Pinang ng gawaing-bahay kaya pinabayaan niya ang nanay niya.
Sige po Inay. Gagawin ko po.
Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa. Humina siya kaya hindi niya ginawa ng mga gawaing-bahay. Tinawag niya si Pinang at sinabi niya kung si Pinang ang gagawin ng mga gawain sa bahay.
Anak, may sakit yata ako. Hindi ko kayang gumawa ng mga gawaing-bahay. Pwede ikaw na gumawa ng mga gawaing-bahay? Huwag mo rin pabayaan ha?
Ginawa niya ang mga gawaing-bahay at nagluto ng lugaw ngunit naglaro siya sa labas at dahil pinabayaan niya ang pagluto ng lugaw, nasunog ang nilulutong lugaw.
Sinabi ko huwag rin pabayaan ang mga gawaing bahay! Sana dumami ang mga mata mo para makita mo kung gaano mahirap para buhayin ka!!!
Umuwi si Pinang at nakita niya sunog ang lugaw. SInabi niya ito kay Aling Rosa at galit na galit na siya. Sinumpa niya na sana dumami ang mga mata ni Pinang para makita ang hirap ni Aling Rosa.
Dahil sa galit ng ina niya, umalis si Pinang sa bahay niya na umiiyak. Masyado na ang galit ni Aling Rosa.
Isang araw, habang gumagawa ng mga gawaing-bahay si Aling Rosa, nakita niya ang isang uri ng halaman na hindi niya alam. Lumapit siya sa bunga at kinuha niya ito. Gulat siya na hugis mukha tao ang bunga at parang may maraming mata. Bigla niyang naalala ang sinabi niya kay Pinang. Naging totoo ang sinabi niya at dumami ang mata ni Pinang. Kaya mula noon, tinawag itong pinya.