May kaunti akong kaalaman ngunit gusto ko malaman ang iba pang mga detalye tungkol riyan. Maaari mo bang i-share sakin?
Alam mo ba na ang sentro ng Sinaunang Greece ay ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan? Na matatagpuan sa timog ng Aegean Sea?
May alam ka na ba tungkol sa Sinaunang Gresya? O sa gresya?
Ang Greece ay mabato at bulubundukin. Naging sagabal ito sa komunikasyon subalit dahilan din ito sa pagkakaroon ng mahalagang katangian na nagpayaman sa kultura ng greece, tama ba?
Ang mga Minoan ay may mataas na antas ng kalinangan sa larangan ng arkitektura, mayroon ding mahuhusay na inhiinyero.
Ang palasyo na binubuo ng maraming silid na tirahan ng hari at ibang opisyales ng kaharian ay ang isang palasyo na nagsilbing sentro ng kanilang kaharian, ay matatagpuan sa sa lungsod ng Knossos.
Hmm, nais ko pang malaman ang karugtong niyan.
2500 BCE, ang mga Minoan ay may nasulat nang alpabeto. Naging mahusap ang mga artesano sa paglikha ng mga kagamitan mula sa ginto at tanso. Dahil sa kahariang itinayo ni Haring Minos ay sumakop sa mga karatig na pook, nakontrol nito ang rutang pangkalakalan.
Nakuha nila ang kalakalan sa mga kalapit na lupain tulad ng Cyprus, Egypt, Anatolia, Asia Minor, at Mesopotamia. Ang mga Minoan ay mayroon ding maunlad na teknolohiya at ang kanilang sining ay nakapokus sa kalikasan at palakasan
Pag sapit ng 1400 BCE, sumalakay ang mga Mycenean mula sa Peloponnesus at kanilang sinakop at pinamahalaan ang Kabihasnang Minoan.
Naging pinuno si Haring Agamemnon ng lungsod at itinuring na pinaka mayaman at makapangyarihan na hari sa sinaunang greece. Ito ang pangkat na pinaka naging makapangyarihan mula 1600 BCE hanggang 1100 BCE
Tinawag silang Mycenaean, hango sa pangalan ng kanilang lungsod Mycenae. Ang hari ng Mycenae ay nagpalawak ng imperyo patungong Aegean.
Humina ang Kabihasnang Mycenaean nang manirahan ang Peloponnesus ang mga Griyegong Dorian na nagmula pa sa Hilagang Greece. Nagkaroon ng digmaan sakanila na humantong sa pagkasira ng pamayanan. Panahon ng Kadiliman (Dark Ages) ang tinawag sa panahong ito na nagsimula noong 1100 at umagal hanggang 800 BCE. Yan lamang ang abot ng aking kaalaman, sana ay may natutunan at naintindihan ka:)
Maraming salamat sa pag share nito saakin, marami akong nalaman at natutunan :D