Search
  • Search
  • My Storyboards

INNOVATE_Komiks

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
INNOVATE_Komiks
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Tama ka riyan apo! Madami ring bansa ang sumakop sa India. Ang Mongol ay kabilang sa grupong may interaksyon sa mga Indian. Ito ay matatagpuan sa Silagang Asya na may 46°N at 103°E. Ang permanenteng pananakop ni Timur sa Punjab ay maituturing na naglunsad ng kapangyarihan ng Mongol sa India. 
  • Lolo, matatagpuan pala ang India sa Timog na bahagi ng Asya at ang saktong lokasyon nito ay 20°N at 78°E!
  • hihihi...tara na po lolo simulan na natin ang ating paglalakad!
  •  Sa panahon na sila ay nanalakay sa India, ang kanilang puwersa ay binubuo ng mga Turko at Mongol na mga Muslim. Nahahati sa tatlong yugto ang pagnanalakay ng mga Mongol sa India. mula 1526-1530, sinakop nila ang mga Afghan at Rajput. Taong 1530-1540 naman ay nagtangkang sakupin ni Humayun ang Malwan, Gujarat, at Bengal ngunit hindi nagtagumpay dahil napatalsik ito palabas ng India ni Sher Shah. Mula 1545-1556 itinatag ni Humayun ang Imperyong Mogul na kalaunan ay lalong pinalawak ni Akbar.
  • hmm...nag-iwan din sila ng ibang impluwensya tulad ng pagpapahalaga sa mga magarbong palasyo, moske, libingan at iba pang gusaling kanilang ipinatayo. Isa sa pinakakilala rito ay ang Taj Mahal sa Agra na ipinatayo ni Shah Jahan noong 1632. Sinasabing ito ay ginawa ng mahigit-kumulang 22,000 manggagawa sa loob ng 20 taon.
  • Natututwa akong alam mo ang mga bagay na yan aking apo! Tara't ating pag-usapan ang mga ito habang tayo ay naglalakad pauwi.
  • Dahil sa panghihimasok ng mga Portuguese sa kalakalan, nagkaroon ng reaksyon ang mga katutubo. Itinatag nila ang Gao bilang kanilang kapital noong 1510
  • Talaga po?
  • Ang bansang Portugal na matatagpuan sa Rehiyon ng Europeo ay isa rin sa mga bansang sumakop sa India.
  • Oo, aking apo. Sa tulong ni Gujarati, isang pilotong Indian, madaling narating nina da Gama ang daungan ng Calicut, sa timog-kanlurang baybayin ng India noong Mayo 1498.
  • Naging ganap ang monopolyo ng Portugal sa kalakalan sa India. Mahigpit nilang binantayan ang Indian Ocean kung kaya't noong ika-16 na dantaon, ang mga Muslim, Arabo at Indian ay halos nawalan ng kita. 
  • Ngunit nang dumating ang taong 1601, tinalo ng mga Dutch ang mga Portuguese sa labanan sa kanlurang Java. Nabauo ang Dutch East India noong 1602, siyang binigyan ng karapatang mag-monopolyo ng kalakalan sa Asya. Nagtatag ito ng sentrong pang-komersiyo sa baybayin ng India at Bengal.
  • Mahusay! Nagkaroon ng malaking epekto ang mga  Portuguese sa kultura na aspekto sa pamamagitan ng pagyakap  ng paniniwalang Roman  Katoliko ng mga katutubo.
  •  Sa akin pong pagkakaalam, ang pangunahing layunin nila ay ang pagkontrol ng mahahalagang daungan nang sa gayon ay makontrol nila ang kalakalan.
  • hmm...noong 1600, sa pamamagitan ng English East India Company, nasakop ng England ang India. Ang unang pakay ng kompanya ay makontrol ang kalakalan sa Sumatra, Java, at Moluccas. Subalit, hindi sila pinahintulutan ng mga Dutch.
  • Itinatag ng bansang France na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Europe na may 48°N at 2°E, ang East India Company noong 1664 at nakapagbukas ng tanggapang komersiyal sa Pondicherry. 
  • Nakatuon ang atensiyon ng mga Dutch sa mga kapuluan ng Indonesia kung kaya't ang kompetisyon upang kontrolin ang India ay naganap sa pagitan lamang ng France at Britain.
  • Mula 1744 hanggang 1763, tatlong beses naganap ang tinatawag na Carnatic Wars, para sa layuning makontrol ang India.
  • Naging sentro ng kapangyarihan at pamayanan ng England ang Calcutta, Madras, at Bombay na nakilala bilang British India.
  • Nakakamangha talaga na malaman ang kasaysayan ng isang bansa, lolo!
  • Madami rin ang naging epekto ng pagsalakay ng British sa India. Tulad ng lansangan at linya ng mga telepono o telegropo ay nakatulong upang mapadali ang kanilang pakikipag komunikasyon. Nagpatayo rin ng mga paaralan ang mga British upang mapataas ang bahagdan ng mga marunong bumasa at sumulat.
  • Marami sa kanila ay pinatay ng mga Dutch kung kaya't hindi nila itinuloy ang naunang layunin at sa halip, itinuon ang kanilang atensiyon sa India.
  • Hahaha...ako nga rin po nagugutom na. Tara na po lolo pumasok na tayo sa ating bahay para makakain na!
  • Hahaha...tama ka riyan aking apo.  Na-enjoy ko ang ating usapan ngunit kailangan na natin  tapusin ito dahil nagugutom na ako...hahaha
  • Ilan lamang ito sa mga naging epekto ng pagsalakay ng British sa India.
Over 30 Million Storyboards Created