Maaga pa lamang ay nagahahanda na si aso sa pag alis nya papunta sa tabing ilog,dito sila laging nagkikita ng kaibigan nyang si mingming.Si mingming at si aso ay matagal nang matalik na mag kaibigan, ngunit hindi sang ayon ang kanilang mga magulang dito sapagkat para sa kanila ay magkatunggali ang angkan ng aso't pusa.
Habang paalis si mingming ay nadatnan sya ng kaniyang ama na papa-alis. "Saan ka pupunta mingming?" tanong ng ama ni mingming. "Mag papahangin lang po sa labas ama" sagot ni mingming. "Sige huwag kang mag tatagal" tugon muli ng ama at tumango si mingming.
Masayang naglalakad si mingming habang papunta sa tabing ilog.
Nakita nya ang kaibigang si aso at natuwa sila ng makita ang isa't isa. Habang nakaupo ang dalawa ay kinuha ni aso ang nasa tabi nyang pagkain at ibinahigi ito kay mingming.
Masayang nag kwekwentuhan ang dalawa habang kumakain, ng biglang nadatnan sila ng mga magulang nila. Nagalit ang mga magulang nila at pinauwi sila.
Habang pauwi na sila ay biglang nadulas ang mga magulang ni mingming at nahulog sa ilog. Agad na tumalon si aso upang sagipin ito.Nang makita ng ama ni aso ang ginawa niya ay hindi ito nag-dalawang isip na tumalon at tulungan sila. Nakaramdam ng saya ang ama ni aso. Napagtanto nila na hindi porket magkaibang uri sila ng hayop ay hindi na sila dapat pang maging magkaibigan.