Ang piyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulan maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.
ITO ANG HARI
Ako ang hari at ipinamimigay ko ang aking lupain sa mga lord.
SILA ANG MGA LORDS
Kami ang mga lords. Ipinamamahagi sa amin ng hari ang kaniyang lupain kaplit ng pera at proteksyon. Maaari namin itong gamitin at pagkakitaan. Maari din namin itong ipamahagi o paupahan kapalit ng pera at proteksyon.
SILA ANG MGA KABALYERO
Ako ay isang kabalyero. Ako ay napagkalooban ng isang lord ng lupain. Kapalit ng lupaing ito, pinoproteksyonan ko ang lord pati na din ang hari. Pinapagamit ko ang liping ito sa mga peasants kapalit ng pera at pagkain.
ANG MGA PEASANT
Ako ay isang peasant. Nagsasaka ako sa lupain ng isang kabalyero para sa pagkain ng aking pamilya. Ibinibigay ko sa kabalyero ang bahagi ng aking kita sa pagsasaka at pagkaing aking inaani.
PROTEKSYON AT KAYAMANAN PARA SA HARI
Kapalit ng lupang aking ipinamahagi ay ang proteksiyon at pera mula sa mga binigyan ko ng lupa.