Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka umiiyak?
Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang kami rito tapos biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit
Kasama sa nawalang bag ko ang bagong selpon na ipinag-ipunan at binigay mo sa akin. Lubos ang aking pagsisisi dahil hindi ako nakinig kay sayo Nay.
Habang naglalakad kami ay isinabit ni Rico ang aking bag sa kanya kung kaya’t nahiya na akong kunin ito.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na lang na umalis na siguro yun at sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina niya.Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal,
Inihanda ang kanyang mga paninda sa araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kanyang mga lutong bibingka.Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami ang bumili sa kanya at noong papaalis na siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.
Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng isang oras na pag-uusap ay nag-presenta itong bitbitin ang bag niya.