Noong unang panahon, may isang mangingisda na may pitong dalagang anak. Naninirahan sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Sila ay nasa bayan ng Dumangas na nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo
Masayang gumagawa ng gawaing-bahay ang mga dalaga araw-araw. Makikita sila sa dalampasigan na nagtatampisaw at lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan
Maraming bumibisita sa kanilang tahanan para manligaw. Sa pagmamahal ng ama ay natatakot siyang may makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga na maaaring makapaglayo sa kanya,
Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lamang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin.
Isang araw, sumadya ang isang grupo ng mga binata upang makilala ang pitong dalaga. Habang wala ang ama, sumama silang lahat sa mga binata.
Natanaw ng ama ang tatlong bangka ng mg estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol and mga bangka ngunit walang nagawa ang kaniyang mabagal na bangka.
Walang nagawa ang ama kundi lumuha. Dahil sa dumilim na kalangitan at malakas na hangin at alon, napagdesisyunan na lamang niya na umuwi.