Mahirap maging malayo sa pamilya pero kinakailangan upang mabigyan ko kayo ng magandang buhay at kinabukasan.
sa gitna ng karagatan ako'y nagtratrabaho at ang aking nakikita ay mga tanawin ng karagatan.
May mga araw na namimiss ko ang aking pamilya at gusto ko silang yakapin at makita. mahirap maging malayo dahil wala ako sa mga importanting ocassion ng kanilang buhay.
pero kahit ako'y malayo para rin naman ito sakanila kahit anong hirap, pagod, pawis kapag iniisp ko ang aking pamilya nawawala ito at mas determenado akong magtrabaho ng mabuti.
Kung ako ay bababa ng barko at mamasyal iniisip ko lagi sila at hindi ko kinakalimutan na bilhan sila ng pasalubong dahil ito ay gustong-gusto nila.pero hindi ko maiwasan habang ako'y maglalakad ang feeling na mag-isa na tinatanaw ang magagandang tanawin dito sa ibang bansa.
balang araw magkakasama rin tayo sa isang tahanan at sabay-sabay natin gawin ang mga bagay nuong wala ako at sa aking pag-uwi ibibigay ko lahat nang aking oras sa inyo dahil ito'y pinakamahalaga sa lahat ng bagay.