Si Tony ay nag-iisang anak ni Anna, siya na lamang ang magulang na nagpapalaki rito sapagkat bigla ngang umalis ang ama nito. Sa mabuting palad ay mayaman at may kaya na si Anna noon pa lamang dahil ang kanilang pamilya ay kilalang may kaya sa kanilang probinsya. Isa rin itong dahilan kaya nakakapag-aral si Tony sa isang international school sa Pinas, ngunit medyo nagsisi rin dito si Anna dahil ang kakayahan ng anak sa wika at mga gawing Filipino ay napakahina o mababa kumbaga. At dahil dito, naisip ni Anna na pumunta sila sa probinsya. Sila muna ay maninirahan sa bahay ni lola Yna. 'Pag dating sa probinsya nakita na nila ang kanilang bahay doon at sila ay pinapasok na.
Kuya Jose, ito na ang mga naipamili namin ni Tony.
Oh, sige, ilapag niyo nalang doon.
And oh, Tony come here and watch kuya cook.
Ito Tony ha, sa pagluluto, dapat laging galing sa puso. Mas magiging masarap ito dahil binibigyan mo ng pagmamahal 'yong pagkain. Okay ba iyon?