Uy ano nangyari sayo? bakit ka umiiyak at bakit andami mong sugat?
Huwag ka mag alala, maganda ka kahit ano mang itsura at kulay mo. Simula ngayon ay magkaibigan na tayo
Nay! Sa wakas nagkaroon na ako ng kaibigan! Si Ken Enriquez
Wala akong kilala na Enriquez, De bale na masaya ako dahil may kaibigan ka na
Simula’y pagkabata sanay na akong walang kaibigan dahil sa aking itsura. Ako si Jane, isangmaitim na batang may malaking ngipin. Lagi akong tinutukso ng mga bata dito sa aming baryoat inihahantulad sa isang kuneho. Nang minsan ay napag tripan nila ako at binatuhan ng mgabagay bagay.
Ilang araw ka na ginagabi Jane!, Gusto ko makilala kasama mo araw araw
Sige po nay, isasama po kita bukas
Hindi muna ako umuwi dahil ako’y madumi at sugatan, ayokong mag alala siinay. Tumambay ako sa isang inabandunang bahay sa dulo ng aming baryo at dito ko nakilalasi Ken, Ken Enriquez daw ang buong pangalan niya. Lumapit si Ken sa akin at tinanong kungbakit ako umiiyak at bakit ako sugatan. Kinwento ko sakanya ang mga nangyari at nagtuloytuloy ito. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan habang siya naman ang nag kukuwento.Siya kasi ang una at ka isa isa kong kaibigan.
Antagal ng kaibigan mo nak, balik nalang tayo sa susunod
sige po nay
Masaya akong umuwi sa aming tahanan at kinwento kay inay na nagkaroon ako ng kaibigan,tinanong niya sino iyon at sinabi ko si Ken Enriquez. Hindi pa raw niya naririnig ang pangalanna iyon sa aming baryo at ang mga Enriquez na kilala niya ay matagal na daw wala, pero bahala na daw basta’t may kaibigan na ako.
Ken Enriquez
Ano ito?! BAKIT NAKASULAT DITO ANG PANGALAN NG KAIBIGAN KO?!
Kinabukasan ay bumalik ako sa inabandunangbahay na tinambayan namin. Wala pang sampung minuto’y dumating na din siya, nagingmalapit na kaibigan ko si Ken. Araw araw kami nag kikita doon, naglalaro at nagkukuwentuhan. Gabi narin ako umuuwi kaya’t nagalit si Inay at nais makilala si Ken.
Kinabukasan ay dinala ko siya sa tinatambayan namin ngunit hindi nagparamdam si Ken. Ilangaraw pa ang nakalipas bago siya magparamdam ulit.
Nang magkita kami, naisipan namingmaglaro ng tagu-taguan. Siya ang taya kaya’t nagtago ako sa bakuran ng inabandunangbahay, nadulas ako dahil sa kalat ng maraming dahon. Dito natagpuan ko ang isang lapida atang pangalan na nakasulat ay Ken Enriquez