May Hari na may tatlong anak, at sa kanilang tatlo, si Psyche ang pinakamaganda dito, ngunit kahit gaano pa siya ka ganda ay walang umiibig sa kanya, sa halip ay sinasamba siya nang mga kalalakihan.
Sinasabing mas maganda pa siya sa Diyosa ng kagandahan na si Venus, lahat ng atensyon ay nakatoun sakaniya kaya ito ay ikinagalit ni Venus.
Inutusan ni Venus ang kaniyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche ng isang halimaw na papakasalan niya ngunit kabaligtaran ang nagyari.
Napaibig si Cupid kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim niya ito sa kaniyang ina at dahil kampante naman si Venus sa kaniyang anak ay hindi na rin ito nag- usisa.
Nagpatulong na sa orakulo ni Apollo ang ama ni Psyche para makahanap ng mapangasawa niya.
Ipadala mo si Psyche sa tuktok ng bundok upang makilala ang halimaw na kaniyang mapapangasawa.
Nang maiwan na si Psyche, dinala siya ni Zephyr, ang Diyos ng hangin upang dalhin siya sa kaniyang itinadhana.
Pinayagan niya ang kaniyang sarili na anyayahin siya sa kwarto na di niya alam kung sino ang kaniyag asawa.
Dahil nagtaka siya kung ano ang anyo ng kaniyang asawa, nagdala siya ng sundang at lampara upang patayin niya ito.
Nahulog niya ang lampara nang makita niyang si Cupid ang asawa niya. Nasunog si Cupid at umahos na.
C-cupid?
Hinanap ni Psyche si Cupid sa punto na humarap siya kay Venus.
Oh sige! Kailangan mo munang gawin itong mga ipapagawa ko sayo.