Nang nabalitang magpupunta rito ang mga lagalog na may mahahabang baril," pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote.
Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na bunangin, ang dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala.
Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
Siya ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura.
Ang mga politiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-Manobo sa aking harapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nangyayari? Ano ang kaniyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid.
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay