MR. MATULUNGIN: At para tayo makatulong sa paglutas ng mga suliraning ito tayong mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong panlipunan.
MARIETA: Mulat naman na kami sa mga isyung panlipunang ito.
MARISOL: Oo nga, ano pa ba ang dapat naming gawin?
MRS. MATULUNGIN: Maaaring mulat at may kaalaman nga kayo sa mga isyung ito ngunit hindi pa rin ito sapat. Mas mahalaga dito ang pagtugon ng mismong mamamayan, o natin. Isanag mahalagang paraan upang matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.
MARITES: Teka! Gawaing Politikal? Parang ngayon ko lang iyan narinig ah!
MARIETA: Oo nga, ano ba 'yan?
MR. MATULUNGIN: Ang gawaing pampolitika ay tumutukoy mahabang proseso mula pagkabata hanggang sa pagtanda kung saan ang mga indibidwal na katulad ninyo ay nakikilahok sa mga aktibidad na pampulitika upang mahubog ang ating paniniwala, oponsyon, paguugali, at pagpapahalaga ukol sa mga ito.
MARISOL: Paano naman kami makikilahok? Sa anong paraan?
MRS. MATULUNGIN: Napakadaming paraan! Isa na dito ay ang pagparehistro at pagboto. Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.
MARISOL: Bakit naman kami boboto kung pwede namang maghintay na lang nang resulta? 'di ba, hindi pa kami magpapagod sa pagpila at magsasayang ng oras.
MR. MATULUNGIN:  Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mga mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaanna sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
MARITES, MARIETA, MARISOL: Ahh, kaya pala bawat boto'y mahalaga!
MRS. MATULUNGIN: Oh, nakapagparehistro na ba kayo para sa darating na eleksiyon?