Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami. Gayunman, ang magandang dalaga ay mahirap lamang. Nakapangasawa rin siya ng isang lalaking kapos din at isang manunulat na maliit lamang ang kita.
Isang araw, pag-uwi ng asawa ni Mathilde na si G. Loisel ay sinabi nitong inimbitahan sila sa isang piging ng kaniyang amo. Malungkot naman si Mathilde dahil wala siyang magarang damit.
Nang umuwi si G. Loisel na may dalang sobre ng paanyaya sa isang kasiyahan. Ngunit nagdabog at bumulong si Mathilde sa anong gagawin niya rito. Sinabi niya sa asawa na kailangan niya ng pera para bumili ng bagong bestida upang magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na raang prangko ang kanyang hiningi kung kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito nabumili ng bagong bestida si Mathilde.
Ngunit hindi nakuntento si Mathilde na wala man lang hiyas na suot kayahumiram siya ng kwintas sa kanyong kaibigang si Madam Forestier. Pinahiraman ni Forestier si Mathilde ng kwintas.
Nang sumapit ang araw nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga babae sa ganda, rangya at kahalina halina. Kung kaya siya ay naging maligaya sa gabing iyon.
Matapos ang kasiyahan umuwi silang mag-asawa. Nang humarap sa salamin si Mathilde ay napasigaw siya dahil nawala ang kwintas na hiniram niya. Hinahanap nila ito ngunit hindi ito makita. Kaya siya naghanap ng katulad nito upang isauli kay Madam Forestier sapagkat nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko.