Hinanap ng mag-asawa ang kwintas kahit saan, binalikan ng lalaki ang lahat ng kanilang dinaanan pero bigo itong makita. Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling panahong iyon tumanda si mathilde nang limang taon.
Nawawala ang kwintas ni Madam Forestier.
Ano! Paanong nangyari iyon? Imposible!
Habang naglalakad si Mathilde upang maghanap ng mahihiraman ng pera ay nagkasalubong sila ni Madam Forestier at nagulat ito sa nakita niyang pagtanda ng hitsura ni Mathilde. At agad niyang inalam kung anong nangyai. Sa pagkakataon na yon ay napilitang magtapat si Mathilde sa totoong nangyari sa hiniram niyang kwintas dito.
Madam Forestier ikinalulungkot kong aminin saiyo na nawala ko ang kwintas na ipinahiram mo saakin.
Mathilde, anong nangyari saiyo? Bakit tila biglaan ata ang iyong pagtanda?
Nang malaman ni Madam Forestier ang pinagdadaanang problema ni Mathilde, sinabi niya dito na huwag nang alalahanin ang pagkawala ng kwintas dahil ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko lamang kumpara sa ipapalit nilang tatlumpot anim na liko.
Huwag mo nang alalahanin ang pagkawala ng kwintas Mathilde, dahil nagkakahalaga lamang iyon ng limang daang prangko.
Labis ang pasasalamat ni mathilde sa kaniyang kaibigan, kasabay nito ay ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa kaniyang nagawa. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umuwi si Mathilde na bakas ang kapayapaan ng kanyang kalooban.
Maraming salamat sa iyong pang-unawa Madam Forestier.
Ibinalik ni mathilde ang mga pera na kaniyang pinang-hiram upang wala na silang maging utang. At ang minana niyang labingwalong libong prangko sa namatay niyang ama ay ginamit nila bilang puhunan sa proyekto ng kaniyang asawa bilang manunulat.
Habang abala sina M. Loisel at G. Loisel sa pagsusulat, napaisip c Mathilde tungkol sa mga pinagdaanan nilang mag-asawa dahil sa hiniram niyang kuwintas.Dito ay napagtanto niya kung ano ang kaniyang kamalian.
Nagsisi siya at nangako sa kaniyang sarili na hindi na mauulit ang kaniyang ginawa. Na hindi na siya magmamataas at makukuntento nalang sa kung anong meron siya. Nangako din siya kay G. Loisel na magiging mabuti na siyang maybahay at tutulong sa kaniyang asawa upang umunlad ang kanilang pamumuhay.