Sa ikaapat na Sabado ay nanghihina na si Rebo at bakas ang lungkot sa kanyang mata kaya;t isinama siya ng kanyang ama sa karnabal.
IKAAPAT NA SABADO
Ano ba ang gusto mong sakyan anak?
Gusto ko pong sumakay sa oktopus pa yung may mga galamay na nagtataas-baba po.
At doon nga sumakay sa mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ang kanyang ama sa baba at malungkot nangingitian. At pagkababa ay nagyaya na rin siyang umuwi.
Slide: 2
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang si Rebo. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan nasa bisig ng kanyang ama. Hinintay lamang niya ang pagdating nito.
IKALIMANG SABADO
Sige na, Rebo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.
Slide: 3
Ito ang huling Sabado na masisilayan si Rebo ng mga nagmamahal sa kanya. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
IKAANIM NA SABADO
Magkasama na kayo ngayon ng iyong beyblade na tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot at maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot anak. Paalam.