Nilinlang kami ng mangkukulam na mga tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain-- ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol, isa rin siya sa nagdilig ng sarili niyang dugo.
Ako na lamang mag-isa. Hindi, may natira pa sa akin. At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang maliit na bote na may lamang lupa.
Isang hapon, nang nabalitang magpupunta rito ang mga tagalog na may mahahabang baril, pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote. Utos to ni gob...binili na ito ni gob! sabi ng mga Tagalog.
Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod.
Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan. Ako'y matanda na, ngunit, hindi ako' nakalilimot sa aking kinagisnan.
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay Paalam.