Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Kwintas

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Kwintas
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Pagkauwi ni Mathilde agad niyang sinabi ito sa kaniyang asawa at talaga namang nagdulot ito ng matinding pagkagulat at panghihinayang sa mag-asawa. Dahil dito malaking realisasyon at aral ang kaniyang natutunan sa sarili.
  • Mahal kong Loisel pasensya ka na at kung dahil naging kontento lamang ako sa kung ano ang mayroon tayo hindi sana tayo maghihirap ng ganito. Kung pinahalagahan ko lang lahat ng biyaya hindi na sana natin naranasan ang matinding paghihirap.
  • Aking mahal huwag mong saktan pa lalo ang iyong damdamin, hindi mo kailangang magpasensya sa’kin dahil kahit gaano pa tayo kahirap hindi kita iiwan at patuloy kitang mamahalin.
  • At sila’y masayang kumain sa hapag-kainan ng may ngiti at kontento sa puso. At simula noon ay unti-unting nagbago si Mathilde.
  • Huwag ka ring mag-alala mahal, gagawin ko ang lahat upang makabawi sa sampung taon nating paghihirap.
  • Napakaswerte kong magkaroon ng asawang katulad mo, alam kong hindi naging maganda ang aking pag-uugali dati ngunit nandito ka pa rin sa tabi ko. Pangakong ako’y magbabago na sa aral na aking natutunan.
  • Isang araw, pumunta sa kanilang tahanan si Madam Forestier upang ibigay ang kwintas na ipinalit ni Mathilde sa nawalang pekeng kwintas.
  • Mathilde, Mathilde! ako ito si Madam Forestier nariyan ka ba sa loob ng iyong tahanan?
  • Mathilde kaibigan, kamusta na ang kalagayan mo ngayon? pasensya ka na at pumunta ako ng walang paalala may nais kasi akong sabihin.
  • Ako'y nagpapasalamat sa iyong bisita, ngunit ano ang iyong nais sabihin sa'kin?
  • Maayos naman ang aking kalagayan ngayon, magaan ang aking loob dahil nababago ko na ang aking pag-uugali.
  • Mathilde aking kaibigan, tanggapin mo itong kwintas na inyong pinaghirapan. Alam kong hindi talaga ako ang may nag-aari nito. Huwag mo na sana itong tanggihan dahil iyong babayaran naman ang halaga ng nawalang pekeng kwintas.
  • Ha?! hindi ko kayang tanggapin at kunin yan mula sayo, ako ang puno’t dulo ng lahat at parusa lamang ito sa’kin sa pagiging gahaman ko.
  • Talaga bang ibibgay mo ito sa'kin? ako'y hindi karapat-dapat na makatanggap niyan ngunit napakabuti mo pa rin sa'kin bilang kaibigan.
  • Halina Mathilde, tanggapin mo na ito upang makabangon kayo sa hirap. At nawa’y kahit makaahon ka na sa hirap ay maging kontento ka pa rin sa kung ano ang mayroon ka. Para na rin ito sa ikakabuti ng lahat.
Over 30 Million Storyboards Created