Noong unang panahon mayroong isang Lating prinsesa na nangangalang prinsesa Rhea, siya ay hinuli ng kanyang masamang tiyuhin na si Amulius upang hindi si prinsesa Rhea manganak ng tagapagmana ng trono.
Hindi ka na pwede umalis dito!
Ngunit iniwan ni prinsesa Rhea ang kanyang tiyuhin upang siya’y mag-isang dibdib kay Mars, ang diyos ng digmaan. Nagkaroon sila ng kambal na anak na nangangalang Romulus at Remus.
Sige
magpakasal tayo prinsesa Rhea
Nainggit si Amulius kaya pinatay niya sina prinsesa Rhea at ang diyos ng digmaan na si Mars, inutos niya sa isang alipin na patayin ang kambal, ngunit di kayang patayin ng alipin ang mga sanggol, kaya’t nilagay nalang niya sila sa isang basket at pinaagos sa ilog Tiber ang kambal.
Nakakaawa naman
Nakita ng isang babaeng lobo ang kambal, napagkamalan nito na anak niya ang mga sanggol dahil kamamatay lang ng kanyang mga anak na lobo. Inalagaan at pinasuso ng lobo ang mga sanggol hanggang natagpuan sila at nasagip ng isang mangpapastol
Inampon ng magasawang pastol ang kambal, itinuring din nila ang kambal bilang sarili nilang anak, gumawa din ng sariling siyudad na malapit sa ilog Tiber ang kambal, ngunit di masyadong magkasundo ang kapatid, kaya naglaban silang dalawa at nanalo si Romulus at natalo sa labanan si Remus.
Hindi, dapat Remus!
Dapat ipangalan natin sa siyudad Romulus!
Pinangalan niyang Rome ang siyudad, na hango sa pangalang Romulus at siya ang unang hari sa Rome.