Reginald Mengi: Pagsapit ko naman ng 28 anyos, naging parte ako ng Institute of Chartered Accountants ng England at Wales ngunit bumalik ako rito at nagtrabaho para sa Coopers Lybrand Tanzania. Dito ako naging Tagapangulo at Kasosyo sa Pamamahala ngunit umalis din ako dahil nagdesisyon akong tumuon sa sarili kong mga kumpanya.
Reginald Mengi: Sa likod ng aking pagiging isang bilyonaryo, negosyante, at pilantropo ay ang aking flagship na kompanya na IPP Limited at ang mga kaakibat na negosyo nito na kasalukuyang ilan sa mga pinakamalaking pribadong negosyo sa bansang ‘to. Laking pasasalamat din dito sa aking aklat na “I Can, I Must, I Will,” na umani ng daan-daang papuri.
I Can, I Must, I Will,
Reginald Mengi: Siguro ang aral na pinakatumatak sa akin ay hindi ka maaalala ng mga tao sa dami ng pera mo o kayamanan na naiwan mo, kaya hindi iyon ang pinakamahalaga sa mundong ito, kundi, maaalala ka ng mga tao sa ginawa mo sa iyong kayamanan tulad na lamang ng aking mga programang pang-kalusugan at pang-edukasyon.
Host: Hindi maikakaila na kayo’y tila isang bayani! Sa dami ng iyong napagdaanan, ano ang maituturing niyong pinakamalaki at pinakaimportanteng aral?