OH, PARE! IKAW PALA 'YAN. ANG AYOS NG SUOT NATIN AH, SAAN ANG LAKAD?
OH PARENG PABLO! IKAW PALA IYAN, HINDI KO MAN LANG DIN NAPANSIN.
DIYAN LANG AKO GALING SA COMELEC. SINAMAHAN KO LANG ANG ANAK KO NA MAGPAREHISTRO UPANG MAGING GANAP NA MAMBOBOTO.
ISANG ARAW, HABANG NAGLALAKAD PAUWI SI PEDRO SAPAGKAT SIYA AY GALING SA COMELEC, NAKASALUBONG NIYA ANG KANIYANG KUMPARE NA SI PABLO.
JUSKO! ANG HABA - HABA NG PILA ROON, PINAHIRAPAN MO LAMANG ANG IYONG ANAK AT ANG IYONG SARILI.
AKO NGA AY ILANG TAON NA PERO HINDI PA RIN REHISTRADO UPANG MAKABOTO. HINDI NAMAN KASI MAHALAGA IYON, SA DAMI BA NAMAN NG BOBOTO, HINDI MAKAKAAPEKTO ANG IISANG BOTO NA MAGMUMULA SA AKIN. KUNG SINO ANG MANANALO SA PWESTO SA GOBYERNO, EDI AYUN NA HAHAHAHAHHAHA
HAY NAKO, PARE. HINDI DAPAT GANIYAN ANG PARAAN NG PAG-IISIP MO. AKO SA'YO MAGPAREHISTRO KA NA RIN SAPAGKAT ITO'Y NAPAKAMAHALAGANG BAGAY.
HUWAG MONG IISIPIN NA HINDI MAKAKAAPEKTO ANG HINDI MO PAGBOTO SA BAWAT ELEKSYON, SAPAGKAT ANG BAWAT ISANG BOTO AY MAHALAGA. HINDI MO DAPAT HINAHAYAAN NA KUNG SINO LANG ANG MAKAKAAPAK SA POSISYON NA IYON SA GOBYERNO SAPAGKAT WALANG IBANG MAS MAAAPEKTUHAN KUNDI TAYO LANG DIN NAMAN. MAS MABUTING BUMOTO DAHIL IYON ANG ATING PAGKAKATAON UPANG MAKAPILI NG TAONG IPAPASOK SA POSISYON NA ALAM NATING WALANG MASAMANG INTENSYON. TAYO LANG DIN ANG MAGDUDUSA KUNG PATULOY NA GANIYAN ANG INIISIP MO AT NG IBA PA.
AT TSAKA, ANG PAGBOBOTO AY NAGPAPAKITA NG PAGIGING ISANG RESPONSABLE AT AKTIBONG MAMAMAYAN NG BANSA.. HINDI LANG IYON, MAY MGA BENIPISYO RIN ANG PAGIGING BOTANTE NA MAKAKATULONG HINDI LAMANG SA IYO KUNDI PATI NA RIN SA PAMILYA MO.
KAYA KUNG AKO SA IYO, PAGTITIISAN KO NA ANG MAHABANG PILA SA COMELEC KAYSA NAMAN PATULOY NA MAGING IRRESPONSABLE AT WALANG AMBAG SA LIPUNAN. AT HINDI KO RIN IPAPAHAWAK SA KUNG SINO-SINO LANG ANG POSISYON SA GOBYERNO DAHIL HINDI LAMANG AKO ANG MAAPEKTUHAN KUNDI PATI NA RIN ANG MGA ANAK KO AT SUSUNOD NA HENERASYON.
GANO'N PALA IYON?! NAKO! BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAN ANG MGA BAGAY NA IYAN AT KUNG GAANO PALA ITO KAHALAGA!
OH SIYA, PARE! MAUUNA NA AKO AT AASIKASUHIN KO NA ANG MGA REQUIREMENTS AT AKO'Y MAGPAPAREHISTRO NA UPANG MAKABOTO. HINDI NA ALINTANA ANG MAHABANG PILA, MAS MAHALAGA ANG KINABUKASAN NG LAHAT.. NANG NAKARARAMI. MAS MABUTING MAGING RESPONSABLENG MAMAMAYAN NG BANSANG ITO.