Dahil mayroong tahanan sa kalangitan na gawa sa ulap, sa loob ng bahay na iyon ay mayroong magkakapatid na sina bagyo, ulan at si ambon at pagkulit-kulit na bunsong si baha.
Marami ang nagtatanong, bakit nga ba lagi na lang nabaha tuwing nabagyo? tanong ko din iyon sa aking ina dala ng aking kuryosidad.
umuulan nanaman inay.
Sa apat na magkakapatid, laging binabantayan ng mas nakatatanda ang bunso nilang si Baha dahil sa taglay nitong kagaslawan. Hanggang sa isang araw napagdesisyonang magpaalam nina Ambon at Baha na maglaro sa tapat ng kanilang bahay, hinabilin ni Bagyo kay Ulan ang kanyang mga nakababatang kapatid dahil sya daw ay may pupuntahan kung kaya sinunod ito ni Ulan.
Makaraan ang ilang oras napagdesisyonan munang gawin ni Ulan ang ilan sa kanyang mga tungkulin, iyon ay ang magdilig mula sa kalangitan pabagsak sa lupa nang biglang nagtata-takbo si Ambon sa kanya na mangiyak-ngiyak na.
Nahulog daw si Baha! kaya't dali dali nyang iniwanan ang kanyang ginagawa at sinundan ang tinutukoy ni Ambon na lugar, at naandon nakita nya si Baha sa milyong-milyonh dipa ang layo. Dagling hinanap ni Ulan si Bagyo upang matulungan syang kunin si Baha mula sa lupa
Minuto ang lumipas at tinanaw din ni Bagyo ang bunso nilang kapatid kahit na ito'y natataranta na, kita sa mata ni Bagyo ang takot na baka hindi na ito makabalik pa muli sa langit kung saan naroon ang kanilang tahanan kung kaya nagsimulang magpabuhos ng ulan, at magpahangin ng malakas ang mga kapatid na naiwan sa itaas upang umangat muli si Baha.
Ilang beses silang nagpaulan ngunit hanggang ngayon ay umaangat lamang si Baha ngunit hindi na makabalik pa sa ulap. Kung kaya hanggang ngayon ay sinisikap parin ng magkakapatid na abutin si Baha para maibalik sa kanilang tahanan kaya ngayon, sa tuwing umuulan at tumataas ang baha ay alam kong sinisikap lamang nina Bagyo, Ulan, at Ambon na sagipin ang kanilang bunsong kapatid na si Bagyo.