Malapit na muli ang halalan. Alam niyo na ba kung sino ang iboboto niyo?
Debate2022 Debate2022 Debate2022
Tama iyan, Cian. Nararapat nating pag-isipan at suriin kung sino ang nararapat na ihalal hindi lamang dapat sa pagkapangulo, kundi maging sa ibang posisyon rin.
Pag-iisipan ko pa muna sa akin.
Sang-ayon ako. Ang pagboto ang isa sa mga pinakamahalaga nating tungkulin. Kaya, nararapat na pag-isipan nang mabuti ang kandidato na iboboto upang tuluyan ding makamit ang mabuting pamamahala sa ating bansa.
Huwag dapat tayo magpadala sa mga salita, gayundin sa mga salapi na ipinamimigay nila dahil nakasalalay sa ating mga boto ang kinabukasan ng ating bansa.
Oo nga.
Tama kayo, ngunit mukhang kailangan na natin pumunta sa programa ng ating organisasyon. Baka, hinihintay na tayo roon.
Tama ka Rhy. Pagtulungan na natin buhatin nang maibigay na natin sa mga taong naghihintay sa labas.
Naglalaman ang mga box na ito ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at damit.
Sige.
Para sa inyo po ito, Ma'am
Maraming Salamat po!
Malaki talaga ang naitutulong ng mga organisasyon sa ating bansa. Mabuti at naisipan nating lumahok sa ganito.
Sa katunayan, mahalaga talaga na makilahok tayong mga mamamayan sa mga ganitong uri ng organisasyon.
Oo nga. Gumaganap tayo ng mahalagang papel para sa ating bansa.