May pagsubok nanaman bukas ukol sa Covid-19, samahan niyo akong mag-aral
Ang covid-19 daw ay nagsimula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019, at ito ay nakakaapekto sa respiratory system ng isang tao
Si Jim ay nagsimulang magbasa nang kanyang notes tungkol sa Covid-19, kung saan ito nanggaling, at gaano ito ka delikado
Ano nga itong salitang ito? Tingnan ko sa libro at para maintindihan ko
Si Jim ay naglilista ng mga salitang nahihirapan siyang intindihin, at ito ay hinanap niya sa mga libro para malaman ang mga kahulugan
Dito na niya naisulat ang mga kahulugan nang mga hindi nya maintindihan, at nagbigay sa kanya ng mas malawak na pagunawa ukol sa binasa
Ah ganito pala ito, buti naman at nakita ko siya hindi nako mahihirapan na intindihin ang mga nakasulat dito
Sa oras na ito, inihalintulad niya ang mga kaalaman na nya noon sa mga bagong impormasyon na kanyang nahagilap upang mas mapabilis ang kanyang pagintindi ng binabasa
Itong mga sintomas na ito ng Covid-19 ay hindi na bago dahil may mga sakit noon na nagpapakita nang mga ganito rin na mga palantandaan
Pagkatapos ang iba't ibang proseso ng pagbabasa, natapos rin niya ang mga kanyang kailangang basahin para sa kanyang pagsubok bukas
Ayan! Tapos nako sa aking pag-aaral, salamat sa pagsama at sana bukas ay makapasa ako sa aking pagsubok