Minsan may isang batang nakatira sa isang tahimik at payapang tribo ng mga Ata-manobo, subalit isang araw ang kanyang tribo ay nilusob ng mga dayuhan. At sa alaala ng minsa’y mapayapang lupain na naiwan ay kumuha siya ng dakot ng lupa at isinilid sa isang bote.
Harvard
Dahil sa mga dayuhan ay napilitang magbenta ang mga katutubo ng kanilang mga produkto kagaya ng pamaypay, basket, at mga tsinelas bilang bahagi ng proyektong pangturismo. Isang araw ang walong taong gulang na batang bababe ay nakatagpo ng isang cultural psychologist galing sa tanyag na Universidad sa amerika na Harvard at siya ay nagngangalang Ms. Winters.
Pilipinas
Naging magkaibigan sila at dinala siya ni Ms Winters sa Amerika para mag-aral. Inalagaan at tinuruan siya ni Ms. Winters at namuhay na parang mag-ina.
Karagatan
Paglipas ng panahon, nakapagtapos ng pag-aaral ang bata at siya ay naging kauna-unahang Ata-manobo iskolar na nakapagtapos sa prestihiyosong Harvard.
Siya ay umuwi sa Pilipinas upang magbisita sa lupain ng kanyang mga ninuno at siya rin ay naimbitahang magtalumpati para sa kanyang mga kapwa Ata-manobo. Sa kanyang mga sinabi marami ang bahagyang nagulat at nalito.
Bago siya bumalik siya ay nagpaalam kay Ms. Winters at pilit niyang kinalimutan ang trauma ng nakaraan sa pamamagitan ng pagsaboy sa dagat ng munting alaala ng kanilang lupain ang kuntil ng lupa na kanyang inilagay sa bote upang ibalik ito sa karagatan.