Noong Panahong Paleolitiko ay nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay sa larangan ng pagpapamilya, pananamit, pagkain,at inumin, kaugalian, paniniwala at tradisyon, wika, teknolohiya, relihiyon, edukasyon, sining, at iba pang nasa asppektong kultural.
Natuto rin silang gumamit ng apoy bilang ilaw, panakot sa mababangis na hayop, panluto ng pagkain, at pananggalang sa malamig na klima. Natuto din silang mag-ukit, maglilok, at magpinta.
Ang ebolusyong pangkultura ng sinaunang mga tao ay mababakas sa 3 panahon - Panahong paleolitiko, neolitiko, at metal. Ayon ito sa materyal na ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng mga kasangkapang kailangan nila para mabuhay - ang bato at metal.
Sa Panahong Neolitiko ay umunlad ang teknolohiya sa paggawa ng mga kasangkapang bato. Lumitaw ang busog at pana, at iba pang gamit sa pagtatanim at pag-ani ng mga butil.
Lumaganap ang pamumuhay ng mga tao sa ibang lugar. Nakabuo sila ng mga nayon. Bumilis din ang pagdami ng populasyon. Nagsimulang magkaroon ng simpleng sistema ng pamamahala lalo na sa ppagpapalitan ng mga produkto
May mga nahasa sa paggawa ng palayok, pag-aalaga ng hayop. Bunga ng kahusayan nila, lalong sumigla ang pagpapalitan ng kalakal sa ibang bansa, lumitaw ang mga estadong lungsod at ang tinawag na buhay-lungsod o sibilisasyon.
Sa Panahong Metal ay bumilis ang produksyon ng pagkain dahil sa paggamit ng metal sa paggawa. Bumilis din ang pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
Dahil sa pag-unlad, marming tao ang nagkaroon ng maraming oras upang paunlarin ang kanilang kaaalaman sa paggawa ng iba pang gawain. Ang lahat ng pag-unlad na ito ay nabuo sa tulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao na sanhi ng paggamit ng tanso, bonze, at bakal bilang materyal sa paggawa ng kanilang kasangkapan.