Matapos ang mahigit dalawang taong distance learning, binuksang muli ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga paaralan para sa pagiimplementa ng face-to-face classes. Bagama’t limited pa lamang ang ipinatutupad, magkakaroon ng full blast implementation nito sa Nobyembre.
Good morning! Simula na ulit ang face-to-face classes, ngunit dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, kailangang sumunod ang lahat sa ating health protocols. Mayroon tayong dalawang rule sa loob ng klase: ang palagiang pagsusuot ng face mask at ang pag-oobserba sa physical distancing.
Ma’am, paano po kaya kapag nakaramdam po kami ng sintomas ng COVID-19? Ang hirap po kasi ng sitwasyon po natin kapag nagkaroon po ng breakout ng COVID-19 sa school. Hindi po kaya maaapektuhan ang pag-aaral po namin kapag ganoon.
Kung sakaling may sintomas kayo ng COVID-19, ipagbigay-alam ninyo kaagad sa amin para makasunod pa rin kayo sa mga lessons kahit na nagpapahinga kayo sa bahay. Wala na ba kayong ibang katanungan? Kung wala na ay aalis na ako at intayin ninyo ang susunod niyong titser.