Search
  • Search
  • My Storyboards

kabanata 19

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
kabanata 19
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • KABANATA 19: ANG SULIRANIN NG MGA GURO
  • Sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng iyong ama. Kasama ko noon si Tenyente Guevarra
  • Mula sa isang gulod ay may dalawang lalaking nakaluksa at walang imik na nagmamasid sa tubig. Ang isa ay si Ibarra ang isa ay ang guro.
  • Wala kayong dapat ipagpasalamat. Marami po akong utang na loob sa inyong ama at ang tanging nagawa ko'y sumama sa kaniyang libing.
  • Maraming salamat po, ginoo
  • Sinabi ninyong tumulong ang aking ama sa pagpapaaral sa mga bata?
  • Opo ginoong Crisostomo. Napakabait na tao ni Don Rafael. Dumating ako rito nang walang kakilala, walang nagtagubilin, walang pangalan at walang salaping tulad din ngayon. Siya ang gumasta sa mga pangangailangan ng paaralan at ng mga batang doo'y nag-aaral.
  • Natawa ang guro sa sinabi ni Ibarra. Ibinaling ng guro ang usapan sa mga suliranin tungkol sa edukasyon ng mga bata
  • Kung ganoon ay nais kong ipagpatuloy ang ginawang pagtulong ng aking ama sa halip na hanapin ang katarungan sa kanyang sinapit. Marahil ay higit niyang ikalulugod iyon.
  • Sa kalagayan natin ngayon, upang mapabuti ang pagtuturo, kailangang magkaroon ng pagtutulungan. Makakatulong sa mga batang magsisipag-aral kung magkakaroon ng isang gusali ng paaralan. Kadalasang ginaganap ang klase sa silong ng kumbento o sa tapat ng karwahe ng kura. Naiistorbo ang kura kung kaya't madalas kaming nabubulyawan. Nababawasan ang respeto sa akin ng mga bata dahil ako'y nabubulyawan rin.
  • Sinubukan ko silang turuan ng wikang kastila at sila'y natutu ngunit hindi sang-ayon so Padre Damaso.
  • Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?
  • Pero higit kong ipinagbuti ang pag-aaral ng wikang kastila.
  • Nais kong ipamukha kay Padre Damaso ang aking katuwiran ngunit sadyang makapangyarihan si Padre Damaso. Ano ang aking magiging laban sa kanya?
  • Matamang nakikinig si Crisostomo sa pahayag ng guro
  • Nagkasakit ako sa sama ng loob lalo nang sabihin ng isang mag-aaral na siya'y magsasakristan na lamang sapagkat nakakababa ng pagkatao ang pag-aaral
  • Nagturo ako ng kasaysayan at pagtatanim ngunit pinatawag ako ng kura. Nais niyang katekismo lamang ang aking ituro. At hindi ito nauunawaan ng mga bata. Kaya ang Europa ay lalong umuunlad at tayo'y nananatiling mangmang
  • Opo, sapagkat nang malipat si Padre Damaso sa ibang baya'y gumawa po ako ng maraming pagbabago. Pawang nasusulat sa wikang Kastila ang mga aklat sa paaralan .
  • Ngunit nakatagpo ba kayo ng kasiyahan sa kaunting tinuturuan?
  • Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Inimbitahan ako sa pulong ng tribunal. Ito ang magandang pagkakataon upang ihain sa kanila ang inyong mga suliranin
Over 30 Million Storyboards Created