Kinaumagahan agad na tinungo ni Juli ang Mahal na Birhen upang alamin kung tinupad ba nito ang himalang dalawang daan at limampung piso na kaniyang hiniling..
WHOOSH!!
WAAAH! WALANG HIMALA!!
Hays! Pagod na ako maging sad girl, mag-aayos na nga lang ako ng aking mga damit...
Nagpasya si Juli na libangin na lamang ang sarili at ayusin na ang mga damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang.
Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ng kanilang mga magulang upang magsimba at puntahan ang kanilang mga ninong at ninang
Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko.Ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
GASP!
HALA KA!?!
Huy! Naku! Bakit ganoon?! Bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko?! Susmaryosep!!
Hindi maaari 'to! Naku nagkandaloko-loko na!
Pinisil niya ang kaniyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumikibot-kibot lamang ang kaniyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.