Oo, noong nakaraan lamang nila ipinatupad ito. Mabuti na nga lang ay palagi akong nagbabasa ng dyaryo kaya hindi ako nahuhuli sa mga balita.
Munting paalala lamang po, tayo po ay kasalukuyang sumusunod sa "NO VACCINE, NO RIDE POLICY". Kung sino man po ang walang maipapakitang kard ng bakuna ay hindi papayagang sumakay ng bus, maraming salamat po.
Nako grabe! totoo pala ang nabasa ko sa internet na hanggang pagsakay sa bus ay ganito rin ang patakaran nila!
Nako po! paano ako nito ngayon? Ayaw ko pa namang magpa bakuna dahil hindi naman talaga ito epektibo .
Pasensya na po talaga ma'am pero kailangan po natin itong sundin dahil dumarami nanaman ang kaso ng covid-19 at iba pang mga bagong variant dito sa ating bansa.
Pasensya na ho ma'am, pero hindi po talaga maaaring sumakay ang isang pasaherong walang bakuna.
pero hindi po ba't ang sabi ng gobyerno ay hindi magiging mandatoryo ang pagbabakuna?
Kawawa naman ang batang iyon at hindi pinasakay dito dahil walang bakuna, napaka higpit na talaga ng patakaran ng gobyerno ngayon.
nike
kaya nga eh, paano na lang ang mga taong ayaw talagang magpabakuna.
Sa bagay may punto kayo... pero hindi ba't hindi naman 100% ang pagiging epektibo ng bakuna?
Ako po ay sang-ayon sa inyo, malaking tulong po ang pagbabakuna upang mabawasan at maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 ayon sa aking nababasa sa libro at napapanood sa balita.
Sa tingin ko ay tama at makakabuti din ang kanilang ginawa, lalo pa't ngayon na dumadami nanaman ang kaso sa bansa kailangan ay mag doble ingat tayo upang hind na tayo bumalik pa sa dating sitwasyon.
Dapat lahat talaga tayo ay may bakuna kung ganoon upang tayo'y magkaroon ng proteksyon laban sa sakit na Covid-19.
Ngayon ay mas lalo akong naliwanagan kung ano ang kahalagahan ng bakuna sa kalusugan at sa ating kapaligiran.
Base po sa paliwanag ng DOH sa mga libro, balita, at dyaryo. Ito po ay hindi 100% epektibo ngunit ito po ay makakatulong upang maiwasan ang mga malulubhang epekto ng covid-19 at ito rin daw po ay makakatulong upang tayo ay magkaroon ng panlaban sa sakit na ito, dahil ang gamot ng bakuna ay nagbibigay kontra sa papasok na virus sa ating katawan.
Tama po iyan, dahil sa panonood ng balita at pagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa Covid-19 ay isang malaking tulong para sa atin upang tayo'y magkaroon ng sapat ng kaalaman na maaari din nating ibahagi sa lahat upang makatulong.
At bukod sa pagbabakuna ay mahalaga din na tayo ay mayroong kamalayan pagdating sa mga balita at babasahin ngayong panahon, lalo na't hindi pa rin tapos ang pandemyang ating kinakaharap.