Patapos na ang klase ni Pedro nang binigyan siya ng mga takdang aralin. Hindi siya na bahala dahil walang itinakdang oras kung kailan ito dapat ipapasa. Kaya siya ay nag plano gumala at gunitain ang araw ng mga puso kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Clara.
Sa susunod ko na ito gagawin panigurado matagal pa ang pasahan nito. Yayain ko muna kaya si Clara lumabas hmm...
Ika-14 ng Pebrero
Dumating na ang araw ng mga puso, si Pedro ay masayang naghihintay sa pagdating ng kanyang kaibigan sa isang parke. Labis siyang nag iisip kung sasabihin niya na ba ang kanyang matagal na pag tingin dito sa kaibigan.
Ano kayang mangyayari ngayong araw, Masasabi ko kaya sa kanya ang aking matagal ng nararamdaman. Sana kahit ganun ang mangyari wala pa rin mag bago
Sige pupunta na ako papalapit sa iyo.
Pedro, andito na ako!
6:00 ng hapon ...
Clara..Masaya ka?
Palubog na ang araw at tapos na nila gawin ang mga bagay na kanilang plinano sa araw na iyon, nang biglang nag yaya si Clara na mag lakad sa may dalampasigan. Habang naglalakad iniisip mabuti ni Pedro kung paano niya sasabiin ang kanyang nararamdaman pero pinangunahan siya ng takot at kaba kaya di niya ito tinuloy.
Hindi ko nga inasahan na sasama ka, kaya sobrang napasaya na rin ako.
Oo naman, Salamat nga pala ah dahil nilibre mo ako.
Hindi ko nga inaasahan nga na magyayaya ka ginawa mong espesyal ang araw na ito.
Ika-22 ng Pebrero
Lumipas ang ilang araw na bigla si Pedro sa binigay na takdang oras sa kaniyang mga gawain sa paaralan, kung kaya't siya ay nag madali umalis ng bahay para bumili ng mga kailangan niya gamitin sa pag gawa.
Hala!! kailangan ko na to matapos sa lalong madaling panahon.
4:00 ng hapon...
Habang naglalakad si Pedro napatingin siya sa isang kaina kung nasaan andun ang kanyang kaibigan na si Clara, nabalot siya ng kalungkutan ng makita ito na may kasamang ibang lalaki at mukha silang masaya na nag uusap.
Hala sino yung kasama niya, bakit sobrang masaya silang dalawa...
Kasalukuyang araw
Di tumagal nalaman ni Pedro na kasintahan na iyon ni Clara, dahil sa labis na kalungkutan. Hindi siya nakapag isip ng maayos kaya hindi niya naipasa ang kanyang mga gawain. Ngunit makalipas ang ilang araw siya ay tumayo at nag simula na gumawa dahil naisip niya na dapat ituloy pa rin ang buhay kahit anong mangyari.
Kayaa mo ito, dapat maging masaya ka sa kaibigan mo. Tiwala lang.