'Di mo ba susulitin Kat? Minsan ka na nga lang payagan eh.
Uy, after natin dito, uwi na tayo ha? Hanggang 8 lang kasi curfew ko eh.
Kaya nga! Sulitin mo na para isang sermon lang matatanggap mo!
Uy lagpas 8pm na, kailangan ko na talaga umuwi!
Girl 'yaan mo na, kain na muna tayo. Pagkatapos nito uuwi na talaga tayo.
Matapos nilang kumain...
Oh, buti naman at nakauwi ka na. Akala ko ba'y hanggang alas otso lamang kayo? Bakit alas diyes ka na umuwi?
Hindi ba ang sabi ko sa'yo 8pm ang curfew mo? Bakit late ka na nakauwi?
Sorry po mama ngayon lang po ako nakauwi. Kumain pa po kasi kami sa labas.
Paumanhin po sa hindi ko pagsunod sa itinakda mong curfew ko mama. Masyado lang po kaming nalibang sa pamamasyal at kahit po sabihan ko yung mga kaibigan ko, hindi rin po sila nakikinig.
Okay na yun anak. Ang mahalaga ay nakauwi ka nang ligtas at alam mong may nagawa kang hindi maganda kaya humingi ka ng patawad. Basta next time ay sundin na ang itinakdang oras ng pag-uwi, ok?
Opo ma, maraming salamat at pasensya na po ulit.