Pumunta ang hari sa balkonahe kung saan siya ay nagpahinga. Ngunit, binulabog siya ng pulubing si Irus. Itinuturi siyang kaisa ng mga manliligaw ng reyna dahil sa kaniyang kasamaan.
Ano bang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama, tumahimik ka at baka ikaw pa ang masaktan
Lumabas ka sa palasyo! Isalba mo na ang sarili mo bago pa may masamang mangyaring sayo!
Narinig sila ng mga manliligaw ng reyna at pinapunta sa sala para pagboxingin ang 2 pulubi. Ikinagugulat ng lahat ang tila torong pangangatawan ni Odysseus. Nais sana lumayo ni Irus ngunit huli na ang lahat. Ng makita ito ng pinuno nila binatikos niya si Irus habang si Odysseus ay umani ng papuri.
Kinagabihan, nagusap ang mag-amang Odysseus at Telemachus. Inihabilin ng hari sa kanyang anak na sabihan ang kanyang ina na magsagawa ng paligsahan sa pagpapana.Sinumang magwawagi gamit ang pana ng hari ang siya niyang papakasalan
Sabihin mo to sa iyong ina.
Sige po ama.
Kinaumagahan, nagtitipon-tipon ang manliligaw ng reyna para sa paligsahan. Isa-isa silang sumubok ngunit ni sinuman walang nag tagumpay. Ng panahon na ni Antinous, akala nila magagawa nito ang pagsubok ngunit hindi na kaya ng kanyang kamay ang kakaibang puwersa. Nag boluntaryo si Odssyseus at agad nag tawanan ang mga tao. Pinayagan siya ni Antinous pero pag di daw niya na pana ang target aabutin siya ng suntok.
Kinuha ni Odysseus ang pana, tinimbang, at inayos-ayos. Muling nagtawanan ang mga tao sabay sabing, "akala mo marunong". Inangat niya ang pana pataas mula sa sahig. Pinalipad niya ang busog ng wala ni anumang kahirap-irap. Hindi na nakapag salita ang lahat ngunit sa huli napagtanto na nila na ang pulubing kanilang sinaktan at inabuso ay ang hari. Sinubukan nilang tumakbo ngunit huli na ang lahat.
ANG MAHAL NA HARI!!!
Paano niya iyon gagawin? Walang makakalipat ng aking higaan maliban sakin, sapagkat ang poste nito ay gawa pa sa kahoy ng Olive na tumubo sa mismong pinaglalagyan nito kung saan ko itinayo ang aking kuwarto sa sarili kong mga kamay.
Naubos ng mag-ama ang lahat ng mga masasamang tao. At sa kanilang tagumpay, kaagad ipinagutos ng hari sa kaniyang anak na suduin ang mahal na reyna.
Mahal kong reyna panong nagawa mong maging manhid sa aking pagdating gayong 20 taon tayo nawalay sa isa't isa?
Hindi pa rin makapaniwala ang reyna na ang kaniyang kaharap ay ang haring mahal. Kaya bigla siyang bumuo ng isang pagsubok na susukat sa kaniyang pagkatao. Tinawag niya ang katiwala at sinabing ilipat sa kabilang kuwarto ang kama ng hari upang magsilbing higaan ng estrangherong kaniyang kaharap.
Matapos marinig ng reyna ang sinabi ng hari ay napagtanto na niya ang kaniyang kaharap ay ang kaniyang ngang asawa na si Odysseus. Kaagad niya itong niyakap at pinupog ng halik dahil sa kaligayahang nararamdaman.
Kaya't matapos ang pamamahinga, siya ay muling naglakbay.
Bgama't ikinagalak ni Odysseus ang kaniyang pagbabalik sa kaniyang kaharian, hindirito natatapos ang kaniyang paglakbay sapagkat na sa puso ni Odysseus ang pagnanais makakita ng panibagong lugar