Grabe tita halos magkakaparehas lang ang ilan, nakakamangha naman po
at ang panghuli ay ang pidgin at creoleito ang wikang hango sa isang wika at ang istruktura ay mula sa isa pang wika na sa kalaunan ay naging likas na wika. katulad ng pag sasalita ng mga Chinese sa wikang tagalog, at ang wikang chavacano sa zamboanga na iilan nalang ang nakakaalam kung pano mag salita ar magbasa gamit ang lengguwahe nayan . ang wikang chavacano ay hindi nating masasabing ito ay purong kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istruktura nito.
Tita, huling tanong po, Ano pong gamit ng wika sa lipunan?
Ang gamit ng wika sa ating lipunan ay madali nating masabi at matukoy ang ating gusto sa buhay sagayon, mapapadali ang ating pag galaw dahil natutukoy natin ang ating gusto sa pamamagitan ng wika at dahil sa wika, nagkakaroon ka ng magandang ugnayan sa iyong kapwa dahil naipahahayag mo ang iyong saloobin patungkol sa kanyan, halimbawa ginawan ka niya ng kabutihan, magpapasalamat ka. dahil sa magandang ginawa niyo kaya pinili nyong maging magkaibigan at maaari kang magpaturo ng iba pang mabubuting gawain.
Ang galing tita, ang dami naming natutunan dahil sayo. At salamat po masasagutan ko na po ang aking takdang aralin.
Mabuti naman kung ganon, pag may katanungan pa kayo wag kayo mahiyang mag sabi sakin ha? halina't pumunta na tayo sa kusina at makakain na para makapag laro na tayo sa parke
Tita, maaari po bang makapag bigay kayo ng halimbawa para maunawaan ko?
Halimbawa sa heterogenous na wika, ang pag bati sa salitang :"Magandang umaga" pag sa tagalog, pag sa ibang lengguwahe naman kagaya ng mga bikulano ito ay "maray na aga" parehas na pagbati twing umaga.Sa Homogenous na wika naman, yung magkakasingtunog na salita pero iba ang kahulugan, Katulad na lamang ng salitang "Puno" pag ginamit ito sa pangungusap ganito, si denise ay pumunta sa bakuran ng kanilang bahay upang kumuha ng bunga sa puno ng mangga (sa ingles ay TREE, nang mapuno (sa ingles ay FULL) na ang daladala niyang basket kanya nitong hinugasan at kinain.
Salamat tita, ngayon mas naunawaan na namin.
simulan natin sa Dayalek, ito ang wikang kinagisnan ng mga tao dahil sa kanilang kinabibilangan na komunidad. Halimbawa dito sa metro manila may dayalektong tagalog-bisaya, tagalog-batanggas at iba pa.Pangalawa, ang sosyolek, ito'y nakabatay sa katayuan ng tao halimbawa mga taong sosyal na dyologs sa pakikipag usap nila may ilan sa kanila gumagamit ng pinagsamang tagalog at english tulad ng "Lets make kain na"
Ngayong malinaw na sainyo ang ibig sabihin ng homogeneous at heterogenous na wika, dumako naman tayo ngayon sa mga barayti ng wika.
Pangatlo, Idyolek ito naman yung mga salitang ginagamit ng mga kilalang tao at dahil dito pag narinig ng mga tao ang salitang iyon ang unang pumapasok sa kanilang isipan ay yung kilalang personalidad. tulad nalamang ng salitang "Excuse me po" ni mike enriquez na reporter sa gma news.
Pang-apat jargon, dahil sa salitang ginamit kaya natutukoy kung ano ang trabaho niya sa buhay, tulad na lamang ng inyong guro dahil madalas niyang sabihin "okay class" Panglima Register, iniaangkop mo yung mga salitang gagamitin mo na nakabatay sa katayuan ng kausap mo, halimbawa kinausap ko ang mommy ninyo sabi ko magkano ang kapital sa negosyon mo, ibigsabihin ng kapital ay puhunan at ang salita nayan ay ginagamit ng mga nagnenegosyo na tao.panganim ekolek, ito yung unang wika na natutunan mo na ginagamit sa bahay, walang iba kundi ang tagalog na wika. Sumunod ay etnolek, ito yung mga salitang ginagamit ng ating mga ninuno.