Isang araw naabutan ni Juan sa kanyang paguwi ang kanyang ama na si Mang Migs na nakaupo sa sofa na may malalim na iniisip.
Ay! andiyan kana pala anak, iniisip ko lang paano pagkakasyahin ang sahod ko sa mahal ng bilihin ngayon. Yayain sana kita mamasyal sa parke anak ng marelax naman.
Wow! talaga Itay gusto ko po iyan miss ko narin po kasi kayong makabonding.
Kamusta ita'y mukhang problemado po kayo?
Ang mag-ama ay sumakay sa kanilang kotse at nagtungo na sa parke.
Ita'y maaari ninyo po ba akong handaan sa darating na linggo, sa aking kaarawan may mga bisita po sana akong darating na malalapit na kaibigan?
naku! anak pagpasensyahan muna at hindi ko pa maisingit sa budget natin ngayon yan.
Sila ay nakarating na sa parke at umupo sa duyan. Lubos na naunawaan ni Dann ang paliwanag ng ama kung bakit hindi maibigay ang kagustuhang party sa kanyang kaarawan.
Sige po Ita'y nauunawaan ko po na kailangan nating magtipid at mas pagtuunan ang ating pangangailangan, pasensya na po kung mas pinahalagahan ko ang aking kagustuhan.
Anak pagpasensyahan muna gustuhin ko man handaan ka ngunit sapat lang ang ating budget upang ipambili ng pangunahing pangangailangan natin sa pang araw-araw, lalo na ngayong pandemya kailangan natin magtipid, mas pagtuunan ang pangangailangan kysa sa ating kagustuhan.
Sila ay masayang namasyal sa parke habang nagkwekwentuhan at pinapaunawa ng kanyang ama ang kahalagahan ng pangangaialangan kaysa sa kagustuhan at ito'y biglang nagyaya magtungo sa simbahan.
Salamat po ita'y sa paggabay sa akin.
Pero Itay gusto ko sana po makakain man lang dito kasi sa aking kaarawan wala na nga po akong handa.
Anak ang aking pangaral huwag masamain at payo saiyo, ito'y iyong baunin hanggang paglaki mo at isa puso. Hangad ko lang naman maunawaan mo kung ano ang dapat uanahin ang pangangailangan ba o kagustuhan? kaya unahin palagi ang pangangailangan dahil ito ang mga bagay na kailangan natin upang mabuhay lalo na sa sitwasyon natin ngayon at huwag unahin ang mga luho o kagustuhan dahil ang mga bagay na ito hindi natin kailangan upang mabuhay
Halika! anak sa simbahan tayo'y magtungo kahit wala kang handa sa iyong kaarawan tayo'y huwag makalimot magpasalamat sa ating panginoon sa mga biyayang binigay niya sa atin at sa ating kalusugan
Patawad anak masakit din sa aking kalooban na hindi maibigay ang iyong kahilingan ngunit mas may importanteng mga bagay tayong dapat unahin kagaya ng pagkain kaysa diyan.
Ang mag-ama ay nagtungo sa simbahahan upang magdasal at magpaslamat sa panginoon.
Lord salamat po sa aking panibagong buhay at sa Ita'y ko na nagpaunawa sakin sa kahalagahan ng pangangailangan kaysa sa kagustuhan at salamat din po sa lahat.
Salamat lord at naunawaan agad ng anak ko ang mga bagay-bagay andito lang po akong gagabay sakanya at salamat din po sa lahat.
Matalinong pagdedesisyon
Kailangan nating maging matalino at madiskarte sa lahat ng gagawing desisyon. Matutong unahin ang prayoridad na mas mahalaga at kailangan kaysa sa ano mang luho o kagustuhan at huwag makalimot sa ating panginoon sa ano mang oras.
Ang ipinapahiwatig sa sitwasyon ay ang desisyong may kaugnayan sa suliranin ng kakapusan sa buhay nag mag-ama. Ipinapakita dito ang mabuting pagpapasiya ng tatay dahil nararapat lamang na unahin at bigyan ng pansin ang pangagailangan nila sa araw araw kaysa sa kagustuhan.