Sa bayan ng San Pedro, nakatira ang mag asawa na sina Aling Luisita at Manong Marcelino. Sina Aling Luisita at Manong Marcelino ay ang kilalang mang gagamot ng kanilang bayan. Kilala ang mag asawa sa iba’t-ibang mga kalapit na bayan ng San Pedro dahil sa kanilang husay sa pagpapagaling ng mga tao.
Isang araw, may mag nanay na tumatawid, ang batang babae ay pumiglas sa kamay ng kaniyang nanay dahil siya ay may nakita lobo na lumilipad. Nais niyang kunin ang lumilipad na lobo, Ngunit sumalubong sa kaniya ang nag mamadaling motor.
Hala may lobo!
Nakitang mag asawa ang nangyari at dali-dali nilang pinuntahan ang bata pati na ren yung driver ng motor.
Pwede na kayong umuwi bukas.
Sa kanilang lugar, walang tao na hindi nakaka kilala sa mag asawang Luisita at Marcelino, sa pamamagitan ng kanilang pag gagamot, nakatulong sila sa maraming tao na mayroong karamdaman. Dahil dito, sila ay binigyan ng karangalan ng mayor ng kanilang lugar, pinangalanan silang “Dakilang mang-gagamot” ng mga kanilang bayan pati na ren ang mga kalapit na bayan ng San Pedro. Kahit saan mapunta ang mag asawa, sila ay nakikilala at marami ang nag bibigay ng mga tulong sa kanila kapalit ng pag bibigay tulong nilang dalawa sa kanilang bayan.