Bukas, Oktubre 19, 2022, tatama ang Bagyong Karding sa Central Luzon.
Aleeiah S. Odra10-Pasteur
Bukas sa ganap na alas tres ng hapon maglalandfall ng super typhoon Karding. Inaanyayahan ang lahat na huwag nang lumabas ng kani-kanilang mga tahanan upang manatiling ligtas.
Mama, napanood ko po sa telebisyon na bukas daw po dadating yung bagyo!
Nako! Kailangan natin bumili ng ating makakain at inumin bilang paghahanda sa bagyong ito. Halika sa bilihan.
Peroooo.. anu-ano po ba ang mga dapat nating bilhan o ihanda sa pagdating ng bagyong ito?
Edi yung mga magagamit natin habang may bagyo. Mga pagkain, flashlight, inumin, radio at mga baterya. Kaya't halika na at baka maubusan pa tayo.
Mama, nakahanap na po ako ng mga pagkain at kagamitan na maaarin nating magamit kung sakaling magtagal ang bagyo.
Tama iyan anak, ako naman ay kumuha na ng maraming baterya para sa flashlight kung sakaling mawalan ng kuryente. Naghanda rin ako ng radyo upang makapakinig tayo sa balita.
Sige anak, mauna ka nang matulog. Titiyakin ko lang na wala na tayong mga kagamitan na maaaring masira ng bagyo.
Mama, matutulog na ako. Inihanda ko na din ang emergency kita natin.