Kahit sa paghiwalay ni Prinsesa Diana sa kaniyang dating asawa na si Prinispe Charles ay hindi parin tumigil ang pagtulong at pagbisita ni Prinsesa Diana sa mga nangangailangan at naghihirap na mga tao. Patuloy niya parin na binibigyan pansin ang mga tao kahit sa mga napagdaanan niya.
Ginugol ng Prinsesa Diana ang halos lahat ng kanyang oras at pagsisikap na maihatid ang pansin sa iba't ibang mga charity. Madalas niyang bisitahin ang mga batang may sakit o pambubugbog na kababaihan. Nagsalita siya para sa mga pangkat tulad ng mga pundasyon ng Red Cross at AIDS. Isa sa kanyang pangunahing pagsisikap na bawal ang paggamit ng mga landmine sa labanan. Ang mga landmine ay madalas na natitira katagal matapos ang isang digmaan, na sanhi ng pagkamatay at pinsala sa mga inosenteng tao kabilang ang mga bata.
Ipinakita niya na kahit sa hinaharap niya na problema bilang isang prinsesa ay hindi niya sinuko at tinigil ang pagtulong sa mga tao, dahil alam niya na may kaya siyang gawin para maayos at tulungan na umayos ang mundo. Kahit sa kaniyang mataas na posisyon bilang isang prinsesa ay tinignan niya nang patas ang bawat tao. Hindi niya kailanman pinakita na siya'y makasarili.