Search
  • Search
  • My Storyboards

Alamat ng Pitong Isla

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Alamat ng Pitong Isla
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isangmangingisdang nakatira sa Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa, pagkatmagaganda kaya maraming binatang nanliligaw.
  • Maraming manliligaw ang mga dalaga, at isa sa mga kinatatakutan ng kanilang ama ay ang balang araw ay makapangasawa sila ng lalaking maglalayo sa kanila sa isa't-isa. Ang kanyang pangarap ay ang makahanap sila ng taga Isla rin lang nila. Palagi niya rin itong ipinagdarasal
  • Dumating sa Panay ang mga mangangalakal na galing sa Borneo.Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggapnaman ang mga alaala bagamat hindi tiyak ng mga dalaga kung ang mga ito ay tunayngang kanilang iniibig. Tumutol ang ama pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ayisasama sa Borneo pag-uwi ng mga negosyante. Sa gayon siya'y mapapag-isa. Subalitwalang nagawa ang kanyang pagtutol.
  • Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y makaalis ang pitong anak na dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila ang kanilang mga kasangkapan at sumakay sa batel1. Nadaan sila sa baybayin ng Guimaras, kung saan nangingisda ang kanilang ama, at sila ay natanaw. Nakita niya ang mga bangka, sakay ang kanyang mga anak. Sinubukan niyang sundan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagwan, ngunit masyadong mabilis ang kanilang bangka para masundan ng kanilang ama.
  • May nadatnan ang matanda na nagkalat na parte ng mga bangka. Laking kaba niya habang siya ay papalapit sa lugar na iyon. Tiyak siya na ito ang bangkang sinakyan ng kanyang mga anak. Nagulat na lamang ang matanda nang may lumitaw na mga isla. Binilang niya ito at laking gulat niyang pito ang bilang nito. Ang kanyang mga anak ay naging isla!Pinangalanan nila itong Isla de los Siete Pecados o "Isla ng Pitong Makasalanan
Over 30 Million Storyboards Created