ANG ANEKDOTA NG MAG-INAANEKDOTA NI: ANDREA MAE L. SORIA
Aldrin anak, alam mo ba kung bakit maraming inosente ang nagugutom at namamatay na halos nakakaawa na silang mabuhay dito sa mundo?
Paano po nangyayari iyon Inay? Bakit po ganun?
Isang araw, matapos kumain sina Aling Selvia at ang kaniyang anak na si Aldrin, may itinuro si Aling Selvia kay Aldrin tungkol sa kagutuman at kahirapan ng mga tao sa mundo.
PAGKATAPOS KUMAIN...
Dahilan ito ng kakulangan sa suporta ng mga tao sa ating mundo. Kung minsan, kahit ang mga may simpleng pamumuhay ay naaapektuhan din, dahilan ng nagsisilitaw na problema sa ating bansa o sa isang lugar.
Nakakalungkot naman pong isipin Inay na ganyan ang kasalukuyan na nangyayari sa ibang parte ng ating mundo...
Kaya ang bilin ko sa iyo ay huwag kang matutong magdamot sa kung sinuman o anuman ang makakatanggap ng biyaya mula sa atin. Dahil ang mga ito ay atin ding natatanggap mula sa Diyos na siya din ang tumutulong sa atin.
Opo Inay, masusunod po!
KINABUKASAN...
Inay! Inay! Nakakatuwa po talagang tumulong sa mga may nangangailangan!
Nakakatuwa ka naman anak,sino naman ang natulungan mo?
Samahan mo po ako Inay, may ipapakita po ako sa iyo!
Ipapakilala ko na po sa iyo Inay!
Anak, bakit nandito tayo? Anong mayroon dito sa garahe?
Inay, nandito po ang aking tinulungan!
Nasaan na siya anak? Gusto ko naman siya makilala.