Siyang tunay! magiging salot lamang sila sa ating lipunan kasabay sa pag-init ng diskusyong ito ay ang pag-init ng ulo ko sa mga kababaihan.
Aanhin nila ang edukasyon kung sa pangkatang talinuhan pa lamang ay hindi na ito makasabay sa ating mga kalalakihan kasabay sakanilang mga butong mahihina ay ang utak na mahihina rin!
Paano niyo nasisikmura ang mga bagay na patuloy niyong ipinagkakait sa aming mga kababaihan? ang edukasyon ay para sa lahat, mga ginoo.
Paumanhin, narinig ko ang inyong sinambit at tunay ring ang mga ito na walang saysay.
Tila kasing lakas at kasing tigas ng bato ang iyong mga sinambit binibini, ngunit kung tutuusin ay di hamak sainyo ang pagiging sunud-sunuran lamang.
Hindi ba na ito ay isang huwarang pagmamahal sa ating lipunan? ang hindi pagtanggap sa aming mga kababaihan na mabigyang sapat na edukasyon upang maari naming maitaguyod ang pamumuhay at buhay gamit ang kaalaman na ibinahagi saamin ng hindi umaasa sainyong mga kalalakihan.
Sunud-sunuran sa mga kalalakihan na patuloy na nagpapalaganap ng hindi pagkakapantay-pantay sakabila ng lubos na pagmamahal nila sa bayan.