Sa isang lugar sa Saidan, maraming sabi-sabi na mayroong nakatirang isang diyosa na kanilang pinapangalanan na Seydi. Ito raw ay isang napaka-gwapong diyos at kung sino man ang titingin sa kaniya ay mahihipnotismo sa angkin nitong kagwapuhan.
Ngunit, kahit gaano pa ito ka-gwapo ay kinatatakutan din ito. Marami na ang nagtaka na hulihin siya ngunit nahihipnotismo lamang sila at ginagawa niya itong kaniyang mga alaga.
Isang araw, tumungo si Ernesto sa kagubatan upang humanap ng gamot para sa anak niyang may sakit. Kahit pa marami ang sabi-sabi na maaari siyang mamatay ay nagpatuloy pa rin siya.
Bakit ka naririto? Hindi mo ba alam na delikado rito?
Anong gamot ba ang iyong hinahanap?
Para sa lagnat. Kung iyong tatanungin kung bakit hindi na lang kami magpagamot sa ospital, wala kaming pera. Kaya ako'y mauuna na.
Ikaw? Bakit ka rin naririto? Narito ako upang hanapin ang halaman na makapagpapagaling sa aking anak
Hahaha! Ako si Seydi at hindi ako sumisira ng pangako. Ngayon pumapayag ka na 'di ba?
Teka! Maaari kitang tulungan ngunit may kapalit.
Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa iyong anak hanggang sa kaniyang paglaki.
Iaalay mo ang iyong sarili sa akin at akin kitang magiging alipin.
Hindi ako narito upang makipagbiruan. Kailang-
Oo... pumapayag na.
A-anong kapalit ang iyong nais?
S-sino ka b-ba?
Gumaling na ako ngunit bakit wala pa rin si itay?
Sinabi ko na nga sa kaniya na mahihipnotismo lamang siya ng diyos na iyon ngunit hindi pa rin siya nakinig!
Simula noon, wala na muling nagtangka pa na pumunta sa kagubatan dahil sa pagkawala ni Ernesto.