Kami ang pumatay kay Ymir upang gumawa ng daigdig.
Ako si Ve ang bunsong anak ni Borr.
Ako si Vili, pangalawang anak ni Borr
Tunay ngang kahanga hanga ang ginawa ng tatlong magkakapatid sa pagpatay kay Ymir at paggamit nito upang gumawa ng daigdig.
Siya nga, dahil sa kanilang kagitingan, nagkaroon tayo ng magandang lugar na pinaninirahan.
Alam mo ba na gamit ang mga buto ni Ymir, gumawa sila ng mga bundok ang mga puno kaya mayroon tayong nakukuhang mga yamang lupa at gubat.
Oo nga, isa pa daw, dahil sa mga dugo na umaagos mula kay Ymir, nakabuo sila ng dagat at karagatan na pinalibutan nila ng lupa.
Siya nga, at bukod pa rito ginamit din nila ang bungo ni Ymir upang gumawa ng kalawakan kaya mayroon tayong umaga at gabi.
Talagang kakaiba ang kanilang kagitingan. Dahil sa kanilang ginawa mas naging maganda ang ating pamumuhay.
Totoo yun, at hindi na muling matatakot sa mapang-aping dambuhala na si Ymir.
Sang-ayon ako sa iyong sinambit. Kaya buong puso dapat tayong magpasalamat sa kanila dahil sa magandang dulot na kanilang ginawa.
Kami ay nagagalak sa mga aming naririnig tungkol sa aming nagawang mabuti para sa mga tao. Kaya patuloy kaming gagawa ng paraan upang mapabuti ang iyong pamumuhay.