Isa pa, tunay nga ba naalam natin ang nilalaman ng nobela bago natin ito ipaglaban? Ang mga libro na ating napag aralan noon ay kulang kulang. Nang isalin ito sa wika natin ay hindi nalimbag ang buong konteksto ng nobela. Kaya paano natin siya ituturing na bayani kung hindi natin siya tunay na kilala?
Round 3: Group 2
Kung ang gusto ninyong panindigan ay ang mga nobela na ginawa niya, siya ba talaga ang dapat ituring na bayani? Hindi ba dapat si Bonifacio dahil sinabing siya ang utak ng rebolusyon? Pinili ni Rizal na patamaan ang simbahan sa pamamagitan ng mga sulat niya pero hindi siya ang naglakas loob na harapin ang mga Espanyol.
Pero, sinabi rin sa pelikula na kaduda duda ang pirma sa sulat na iniwan ng bayani. Maramingnagsasabi na pakana lamang ito ng simbahang Katolika para hindi tuluyangmadungisan ang pangalan nila. Walang matibay na ebidensya na siya ang tunay nasumulat nito. At bago pa naman ito inilabas ay nailimbag na ang mga nobela. Maramina ang mga nakabasa nito, marami ang pumanig sa kaniya at nagpasiyangipagpatuloy ang adhikaing nasimulan niya. Sa madaling sabi, kung totoo man angretraksyon, wala naman nang magagawa dahil kalat na ang nobela bago pa anglahat.