Magandang Buhay! Ako si Kobe R. Arcega atnaririto ang aking "Mga Karanasan sa Panahon ng Pandemya".
Nagsisimula ang aking araw sa paggising ng maaga upang mag bukas ng aking munting tindahan. Naging malaking dagok sa aming pamilya ang Pandemya kaya upang kahit papaano makatulong ako sa aming Pamilya nag bukas ako ng tindahan at dito pinag sasabay ko ang pag titinda at pag aaral.
Syempre bago ang lahat ako'y magpapaalam muna sapagkat ako'y maghihilamos ng akimg mukha at magsisipilyo bago mag bukas ng tindahan. Paalam!
Ganito ang aking senaryo araw araw habang nagbabantay ako ng tindahan at nagtitinda nagkaklase ako mahirap sa mahirap pero kakayahin ko para makatulong sa aking pamilya.
Ay sya nga pala ito ang aking tatay si Cristobal Arcega sya ang nagdadala ng aking pag kain mula agahan hanggang hapunan. Sige paalam muna at ako'y kakain ng aking agahan.
Pag dating ng alas nueve ng gabi ako'y magsasara na at sa gabing yun gagawa naman ako ng mga takdang aralin bago matulog. Nakakapagod pero laban lang at di ako susuko. Kaya nagpapasalamat paring ako sa Poong Maykapal na di niya parin kami pinababayaan. At dito nagtatapos ang aking kwento salamat.