Pagdating natin sa ating paaralan, ating tanungin ang mga guro kung paano makakaiwas sa panganib sa panahon ng kalamidad.
Oh sige! Isa 'yang napakagandang ideya. Ibahagi rin natin ito sa ating mga kaklase.
Maari nyo po bang sabihin sa amin ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad?
Syempre naman mga bata. Napakahalaga ng paghahanda sa panahon ng kalamidad. Dapat na maghanda kaagad!
Ma'am Louis, maaari po bang magbigay kayo ng isang paraan ng paghahanda sa panahon ng kalamidad?
Kung mayroong banta ng bagyo, nararapat na tayo ay lumikas kung malapit tayo sa karagatan dahil malaki ang posibilidad na bumaha at maaari masira ng tubig ang mga bahay kung hindi ito matibay.
Ma'am Kris, maari po ba kayong magbigay ng isang halimbawa tungkol sa paghahanda sa panahon ng kalamidad?
Magandang tanong iyan! Sa panahon ng kalamidad, dapat tayong mag-ipon ng mga tubig at pagkain na hindi nasisira tulad ng mga nakalatang pagkain.
Magandang umaga po, sir librarian. Maaari po bang magbigay kayo ng isang halimbawa tungkol sa paghahanda sa panahon ng kalamidad?
Sa panahon ng kalamidad, dapat hindi tayo magpanik at laging maging kalma. Kung may paparating na bagyo, dapat na tayo ay maghanda at iwasang matakot.
Principal Mary, maraming salamat po at pinayagan nyo kaming magtanong sa mga guro.
Walang anuman mga bata, natutuwa ako na kayo ay nagbibigay halaga sa paghahanda sa kalamidad. Sana ay maibahagi nyo ito sa inyong mga kaklase at kakilala.